Simpleng kabuhayan lamang mayroon ang mga taga Tagaytay. Namumuhay sila sa kanilang mga tanim na palay. At marami rin silang pinya at masarap ng bulalo kaya sila nakilala ng mga tao kaya ngayon madalas na puntahan ang Tagaytay
Ang mga karaniwang nilalaro ng mga batang taga tagaytay ay ang piko at naglalaro rin sila ng isports katulad ng Volleyball
Ang ilan sa mga tourist spots sa tagaytay ay ang Picnic Grove, Peoples Park in the Sky, Sky Ranch, at Ang Taal Volcano. Sa mga lugar na ito mauunawan mo ang klima ng lugar. Katulad ng Sky Ranch at Picnic Grove mayroong mga rides katulad ng horse back riding, zipline at ferris wheel.
•Tagaytay Picnic Grove – Dito madalas dumayo ang mga pamilya, turista at iba pa dahil dito maraming mga gawain ang maaari mong maisagawa katulad ng pag-picnic, pagpapalipad ng saranggola, pagsakay ng zipline, at iba pa. Dito mo rin makikita ang magandang tanawin ng Bulkang Taal at ang lawa nito •Palace in the sky – Ito ang mansyon na ipinagawa ng ating dating pangulong Ferdinand Marcos. Ang mansyon na ito ay hindi natapos sa paggawa ngunit ito ay binuksan sa publiko para sa magandang tanawin ng Bulkang Taal •Sky Ranch –Dito matatagpuan ang pinakamataas na ferris wheel sa ating bansa. •Residence Inn – Mayroong Mountain Resort at Zoo dito sa residence inn. Sa zoo maaaring magpakain ng mga hayop •Taal Volcano Adventure – Ang Taal Volcano Adventure ay iniaalok sa mga taong pumupunta sa picnic groove. Dito tayo makakaranas ng “full adventure” papunta sa bunganga ng bulkan at pabalik sa baba. Ngunit kailangan muna pumunta ng Talisay, Batangas dahil doon ginagawa ang adventure. May mga resort doon na nag-aalok ng “boat ride” papunta sa isla ng Taal at pagdating doon, mamimili ka kung sasakay ka ng kabayo pataaas o maglalakad pataas Ang salitang Tagaytay ay nagmula sa salitang “taga” na ang ibigsabihin ay putulin at “itay” na ang ibigsabhin ay ama. Sinasabing merong mag-ama na nangangaso ng baboy ramo nang atakin sila nito. Nang aatakihin na nito ang ama, sumigaw ang bata ng “taga itay!”. Ang sigaw ng bata ay narinig sa buong kanayunan. Simula noon, tinawag ng “Tagaytay ang lugar kung saan narinig ang sigaw ng bata. Ito rin ay sinasabing isang legend o urban legend/ kwentong bayan.
Bukod sa malamig na klima at magagandang tanawin, binabalikan ang tagaytay dahil rin sa mga masasarap na pagkain. Sumikat sa tagaytay ang bulalo. Masarap at mainit ito at babagay sa klima na malamig. Sumikat rin ang matatamis na Pinya. Binabalikan ang Tagaytay dahil sa kanilang matatamis at masasarap na pinya.
|