Ang salitang Tagaytay ay nagmula sa salitang “taga” na ang ibigsabihin ay putulin at “itay” na ang ibigsabhin ay ama. Sinasabing merong mag-ama na nangangaso ng baboy ramo nang atakin sila nito. Nang aatakihin na nito ang ama, sumigaw ang bata ng “taga itay!”. Ang sigaw ng bata ay narinig sa buong kanayunan. Simula noon, tinawag ng “Tagaytay ang lugar kung saan narinig ang sigaw ng bata. Ito rin ay sinasabing isang legend o urban legend/ kwentong bayan.