Marami kaming naranasan habang kami ay naglilibot sa Tagaytay upang magkalap ng mga kakailanganin naming impormasyon sa proyektong ito, una sa lahat, ang pakikisalamuha sa iba't ibang mga naninirahan dito. Sa pakikisalamuha sa kanila, nalaman namin ang kanilang mga ugali, nakasanayan at kabuhayan. Nagkaroon kami ng pagkakataon na makipanayam sa Public Assistance Desk Officer ng Pamahalaang Lungsod ng Tagaytay. Tinanong namin sya upang magkalap ng impormasyon. Kami rin ay bumisita sa mga sikat na lugar sa nasabing lungsod gaya ng Sky Ranch, Picnic Grove at People's Park in the Sky.