Habang kami ay nagkakalap ng mga impormasyong aming kailangan para sa proyektong ito, marami kaming mga taong nakilala at tumulong samin. Isa na riyan si Ginoong Jesus D. Dolot Jr. Siya ang Public Assistance Desk Officer ng Pamahalaang Lungsod ng Tagaytay. Kami ay nagkaroon ng pagkakataong makipanayam sakanya upang makapaglikom pa kami ng mga impormasyon. Masigla naman niyang tinanggap ang aming munting hiling. Kasama niya si Ginoong Roger. Nakilala rin namin si Binibining Rosalinda na nakita namin sa daan habang siya ay naglalako sa daan ng mga suman at kakanin. Si kuya Robert naman ay isang trabahador sa Horse Back Riding place sa Picnic Grove. Tinulungan nila kami na makapaglikom ng aming mga hinihinging impormasyon.