Nang ang proyektong ito ay sinabi sa amin ng aming guro, may biglang pagkagalak ang naramdaman ko. Una ko kagad naisip ang Tagaytay, isa sa pinakamagandang lugar sa Pilipinas. Marami na akong naririnig ukol dito, ngunit gusto ko rin ito maranasan, ang magpunta rito at malasap ang sariwa at malamig na hangin lumilibot rito. Nang kami ay magpunta na rito upang magkalap ng impormasyon, nalaman ko na kagad ang kagandahan ng lugar na ito. Sa mga taong aming nakilala, sila ang nagparamdam sa amin na kami ay tanggap na tanggap o kaya naman ay welcome na welcome at mag "feel-at-home" sa Tagaytay. Sa aming paglilibot, mas lalo akong namangha sa angking nitong kalinisan. Napakatahimik, napakaganda, napakalinis ng lugar na ito. Isa ito sa mga lugar na ipinagmamalaki ng ating bansa. Para sa akin, isa ito sa mga nagpapatunay na 'It's more fun in the Philippines'.